Lucky Second

Hindi matanggal ang ngiti sa akin nang mabasa ko ang wish ng isang blogger na gustong magpaka anonymous. Narito ang kanyang hiling:

Dear Kuya Bernard,
Una sa lahat, happy blogsary po sa inyong blog. Isa kayo sa hinahangaan ko sa U-blog. Ang saya ko at napabilang ako ditey, I mean dito. hehe 🙂
Sana ako ay nakahabol pa. May gusto sana ako hilingin, hindi naman siya ganun kahirap kaya sana makahirit ako. At kung hindi po ako mapipili, ay parang awa niyo na, wag niyo po akong ilaglag. hehehe
May crush po kasi ako sa U-blog, at iyon ay walang iba kundi si kuya Bon. hehe *kilig* Crush lang naman. Sana po ay makahingi ako ng isang picture lang nya na may autograph niya at may maikling mensahe lang para kay “Anonymous” Sige na pu?? please? hehe. Magiging masaya po ako dun.
Advertisements