Mitzel

Madalas kong makita si Mitzel, nakangiting mag-isa. Parang laging may kausap sa isip, tatangu-tango, nakatingin sa malayo, minsan nanlalaki ang mata at nakatingala sa alapaap na para bang namamangha. Bata pa siya noon, patpatin, maikli at manipis ang buhok, kayumanggi at laging suot ang pudpod nyang tsinelas.

Mabilis syang tumakbo, mailap na parang ibon subalit di gaya ng mga langay-langayan sa himpapawid, madalas ay sya lang mag-isa. Kahit nga kasama ang kanyang mga kamag-aral, kalaro at kahit sa gitna ng umpukan nilang magpipinsan, wari siyang nag-iisa, abala sa kanyang iniisip, sa sarili niyang munting isip. Magpatuloy sa pagbasa