Merry Christmas!

Medyo mabigat ang buwan ng Agosto, buti na lang at tapos na Sa simula pa lang nararamdaman ko na na maraming maaaring maganap na hindi inaasahan at nagkatotoo nga. Hindi ko alam kung sadyang nasanay ako sa sinasabing nakatakdang kaginhawan pagkatapos ng unos kung kaya’t nasasabi kong maaliwalas at maraming kapana-panabik na nagaganap sa buhay ko ngayong Setyembre. O siguro nga bahagi na rin ng kagustuhan kong maging maayos naman ang buwang ito. 2 bagay ang nararamdaman kong magpapabago sa kasalukuyang takbo ng buhay ko; kung ano yun, hindi ko matiyak. Nag-iisip-isip ako nitong mga huling araw sa isang desisyong maaari kong gawin para sa darating na araw. Naghanap ako ng sign. Hindi ko ito madalas ginagawa, napipilitan akong gawin ito kung hindi ako makapagdesisyon at hindi malinaw ang nararamdaman ko; baka kasi hindi ko mailayo ang personal na saloobin. Ngayon ang huling araw na itinakda ko para makita ang sign pero kanina sa opisina naisip kong mukhang walang sign na darating. Nagdesisyon akong dumaan na sa Glorietta (araw-araw kong daan pauwi), sobrang traffic! Nakatulog ako at pagmulat ng mata ay sumambulat ang isang lalaki sa bintana na nagbebenta ng sign na hinihingi ko at para talagang iniaabot pa sa akin. Ayoko sanang tingnan dahil hindi rin naman ako handa sa desisyong ito subalit nang ibaling ko ang tingin sa kabilang bintana ay isa na namang lalaki ang may hawak nito at tila gustong ibenta sa akin. Magpatuloy sa pagbasa

Para kay Mags at Lisa… sa piling ng mga bayani ng KKK at mga kabayanihan natin.

Bumubuhos ang ulan. Wala akong payong. Walang bubungan ang mga overpass ni bayani. Maari ng pigain ang suot kong damit pero ayos lang, namiss ko kayo.

matagal na nga nang huli tayong magkita. Ang bilugang ulo mo mags ay balot na naman ng buhok at ang tiyan ni lisa ay bilugan na naman. Magpatuloy sa pagbasa