Isang malaking SALAMAT!

Sa loob ng halos mag-aapat na buwan na tinakbo ng patimpalak sa pagsulat na ito, mula paghahanda, pagpapakilala at pagbibigay ng award; marami akong nakilala, naging kaibigan at natutunan. Akala ko noong una ay madali lang magpakontes, pero nang umandar na ito at ipinakilala… hala! ang dami ko palang dapat asikasuhin. Buti na lamang at marami akong kabagang na tumulong.

Nais ko sanang ipaabot ang napakalaking pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa inyong lahat na naniwala at nag abot ng tulong.

Gayundin  sa lahat ng sumali; nag-isip, nagbigay ng oras upang paganahin ang naitago sa baul nilang kaalaman sa pagsulat, Maraming salamat at marami naman kayong bata at maging matatanda na mapasasaya sa inyong mga sinulat.

Sa lahat ng sumali : Magpatuloy sa pagbasa

Advertisements

Extraordinary Bloggers Night!

Napakabilis nang linggong iyon, namatay ang aking tiya at punong-puno ang iskedyul, kaya araw ng Biyernes ay umuwi ako sa Bulacan para dumalaw at nang makarating ako roon, tanghaling tapat (sa sobrang traffic) ay bumalik din ako sa Maynila dahil nga sa aming pinag-usapang GEB ng mga bloggers.  Alas- 7 ang usapan kaya hindi ako dapat mahuli, ako kasi ang nagprisinta ng lugar ( Tivoli Garden Residences), medyo kinakabahan ako dahil baka matraffic sila pero buti na lang at nakarating sila agad sa kabila ng traffic at malakas na pagbuhos ng ulan. Ano pa nga ba ang aasahan sa mga bloggers; sabik na sabik yang mga yan na magkita, akalain mong kahit ako ang punong abala sa lugar ay pagdating ko sa entertainment room ay naroon na sila at nagkakantahan. hahaha ayaw paawat! Magpatuloy sa pagbasa

Backpack

Saan ka pupunta ha? Tatakbo ka pa?

Boses iyon ng gagong tambay sa kanto na walang magawa kundi mag-amok at magyabang habang bitbit niya ako at lulutang-lutang nang mahawakan niya ang backpack ko. Pakiramdam ko noon, ako si Donatelo; ang alaga kong pagong, kung paano ko ito hinahawakan sa kanyang likod at tinuturuang tumakbo ng matulin. Sa twing hahawakan ko kasi siya sa bahay niya ay papalag ang kanyang paa na mistulang tumatakbo, subalit may kung anong hiwaga ang lupa na sakaling masayaran ni Donatelo ay nag eenjoy siya at nagpapabagal sa kanyang paglalakad. Magpatuloy sa pagbasa