Stolen Shots

Una kong natanggap ang picture na yun pagbaba sa taxi. Inabot sa’kin ng taxi driver nung nagbayad ako, merry christmas daw, regalo niya sa mga pasahero niya. Nakababa na ko ng binigay niya iyon, nung binubuksan ko na ang envelop, pinaharurot niya ang taxi at laking gulat ko nang makita ko ang nasa larawan – Picture ko habang naghihintay ng taxi.

Iniisip ko kung pano niya ako nakuhaan ng picture, kung sino siya.

Isang unregistred number ang nagtext, “bakit ka nag-iisa?” tumingin ako sa paligid, walang tao, madilim, dali-dali akong pumasok ng bahay. Magpatuloy sa pagbasa

Advertisements

Plate Number

Sa Makati kami naghiwalay, pauwi na siya ng Cainta, at ako naman sa Las Pinas. Nilabas ko ang phone ko noon, ito yung phone na binigay nya rin sa akin. Ugali ko na kasing isave sa draft ang plate number ng taxi. Second hand phone yun. Binili daw niya sa messenger nila. Nangangailangan daw kaya nang ialok ay kinuha niya na. Gamitin ko na lang daw, nilagyan niya rin ng sun sim para mas madalas at mahaba ang aming kwentuhan. Magpatuloy sa pagbasa