school bus

namamaos na ang aircon sa kabubuga, halata na sa maingay at gasgas nitong tunog. Gayundin, ‘wag idalanging malubak at papatak ang tubig mula bunganga nito. Maswerteng nakakuha ng upuan sa tabi ng bintana ‘ngalang hindi pwedeng sumandal. Naglilimayon ang maliliit na ipis na padaan-daan at tumutulay sa bintana. Gabi na, madilim at makapal ang usok sa labas mula sa mga tambutso ng sasakyan. Walang matanaw at kung mayroon man, nahaharangan ng mga sulat Hapon o Intsik na nasa kulay pula. Matagal na ‘tong nakapaskil at nakikita sa mga bintana ng bus ngunit hanggang ngayo’y walang makapagsabi ng kahulugan. Minsang naiisip na lang na baka ang nakasulat dito ay Hudas not pay or God Bless our trip. Pwede rin sigurong basta driver sweet lover. Sa bawat gilid ng bintana ay may pindutang hindi naman gumagana. Kahit hindi nauunawaan ang nakasulat, natitiyak na ang tinutukoy rito ay pindutin kung bababa. Magpatuloy sa pagbasa