Kahawak-kamay

Wala naman talagang paliwanag kung ano ang pag-ibig.

Hindi siya kemikal na hahalo sa isip para guluhin ito at hindi rin siya isang simpleng emosyon.

Minsan gusto kong isipin na isa siyang espiritu, yun bang parang basta ka na lang sinaniban.

Mawawala ka sa sarili mo. Para kang nakadroga. Lutang at high na high. Nakangiti, biglang magiging inspired sa trabaho, walang pakialam sa iba na para bang ang mahalaga ay yung ngayon. Yung nararamdaman mo ngayon at bahala na bukas, bahala na kung ano ang iniisip ng iba dahil nga ang mahalaga ay yung nararamdaman. Alam mo kasing pambihirang mangyari iyon, na maiintindihan ka nila dahil inlove ka, na pwede mong gawin ang gusto mo kasi nasa espiritu ka ng pag-ibig. At pag nagising ka at wala na siya, natauhan ka at natuklasan mong tapos na ang lahat – back to reality ka. Syempre hindi ganun kabilis dahil iiyak ka muna, nasaktan ka kasi. Ang dulo naman nun, no regrets, kasi nagmahal ka. Again, idadahilan mo sa pag-ibig – kasi nga nagmahal ka. Magpatuloy sa pagbasa