Feb 2 -Wrong Timing

Sumikat at nakailang cover na ang kantang Where Do Broken Hearts Go? Siguro nga ay napanood mo pa ang indie film na’to, na LSS ka at baka nga umakyat ka pa ng Sagada.

Sapul ka e. Yun bang pamagat pa lang, alam na alam mong makakarelate ka. Ikaw ang tinutukoy; na broken hearted ka na kasi at tinatanong kung saan ka pwedeng pumunta. Saan o kanino ka hihingi ng saklolo. Ang liwanag ng pamagat, very personal na capture lahat pero ang totoo, hindi lang naman ikaw ang na-broken hearted. Halos lahat! Yun lang pag usaping sawi, akala mo ikaw lang. Naka pokus ang ilaw sayo, moment mo ‘to.

Spot Light! Wasted. Umiinom. Nasa table. Umiiyak. light slowly fading. flashback. music cue

“…We said we needed space
But all we found was an empty place
And the only thing I learned
Is that I need you desperately…

So here I am
And can you please tell me… oh

[Chorus:]
Where do broken hearts go
Can they find their way home
Back to the open arms
Of a love that’s waiting there
And if somebody loves you
Won’t they always love you
I look in your eyes
And I know that you still care, for me”

May mga hiwalayan na madaling malimutan pero meron ding sumusugat hanggang kaluluwa. ‘Pag ito ang naramdaman mo, alam mong true love. Maiisip mo na ikaw ang pinakamabait na tao sa mundo at hindi mo deserve ‘to.

Kaso nangyari na.

Pero merong mas masakit… yung wrong timing.

Yung wala kang makwentuhan dahil busy sila. Dahil sinabihan ka na nila dati pero hindi ka nakinig at mapapahiya ka pag inamin mong wala na kayo o niloko ka n’ya.

Wrong timing yung nagcecelebrate sila ng birthday, new year, promotion o kung anumang dahilan para magparty tapos hindi mo kayang basagin ang kasiyahan nila.

Wrong timing kasi malayo ka at minsan ka lang tatawag o makikipag chat, tapos break up pa ang topic. Samantalang ang kakausapin mo ay pagod na sa trabaho o di kaya magkaiba kayo ng oras dahil nasa magkabilang panig kayo ng mundo.

Wrong timing dahil busy ka at hindi mo na mapagkasya sa oras mo ang paghagulgol dahil ang bawat segundo mo ay kinakain ng trabaho o ng pag-aaral mo.

Aping api naman ang puso mo! Na pati sarili nyang katawan ay ayaw umayon, ayaw makinig at ayaw makidalamhati.

At gusto mong sumigaw ng utang na loob, may right timing ba sa pakikipaghiwalay! Pwede bang i set yun, na “uy, pag hindi na tayo okay, hiwalay na ha, sabay tayong ma fall out of love. Sabay tayong magdesisyon na hanggang dito na lang, o kaya sabay natin maramdaman na may mahal na tayong iba!”

Pakisama lang please. Mag va valentines e. Wrong Timing!

Hanggang sa marerealize mong pag nagmahal ka pala, sadyang personal, na ang tanging makakapitan mo ay ang sarili mo. Kahit marami kang kaibigan, kahit sila ang nagbuyo sayo at nagmatch making, sila ang nagpakilala at nagpakilig at nagpapaniwala sayo na may True Love. Sa huli, ikaw ang magdedesisyon kung paano ka babangon.

Pag tinanggap mo ang salitang Love – tanggapin mo ng buo pero pag nasira, yung relasyon lang ang hayaan mong mabasag, yun lang ang kasama ng love nung inalok sayo. Huwag mong hayaang mabasag ang pagkatao mo. Buo ka naman kasi bago pa dumating ang love.

Kung hinahanap mo pa rin ang sagot sa tanong na Where do broken hearts go? 

Ang sagot? Sa pag-iisa. Dahil sa pag-iisa mo mahahanap ang sarili.

 

 

titser, titser, ano pong sagot?

may mga bagay na hindi naman tinuro kaya hindi ka handa sakaling malagay ka sa sitwasyon. dito lumilitaw ang iyong pagkatao, kung paano ka magrereact, kung ano ang gagawin mo.

halimbawa pag nalasing. pag uminom ka ng tequila nang hindi nakakain.

paano mo kokontrolin ang pag ikot ng kisame, habang umaagos ang alcohol sa dugo mo at namamanhid ang ulo mo, paano mo pipigilan ang pag labas ng lahat ng kinain mo at mas mahirap sa lahat e kung paano ka haharap sa mga kaibigan mo kinaumagahan matapos mong sukahan.

o kaya paano ka magrereact kung ikaw ang paksa sa usapan? kapag pinupuri ka, sinasabing matalino, maganda at lahat ng kabutihan ay nasa iyo na? tatango ko na lang ba, o itatanggi mo pa?

hindi rin tinuro kung paano maligo kung maginaw ang tubig. alin ang uunahin, sabunin ang katawan o shampoohin ang ulo? uupo ka na lang ba o magtatalon sa bawat buhos ng tabo?

yun pa lang ang easy round

ito ang average round. mas mahirap.

hindi tinuro kung paano ka matutulog kung excited ka para bukas.

hindi rin tinuro kung paano mag chopstick kung pasmado ang iyong kamay at hindi ka pa nag aalmusal

e ang magpatahan ng bata, lalo pa’t hindi ka handang maging magulang. padededehan mo ba, padidighayin o baka nasundot lang ng aspili o nakagat ng langgam.

ano ang gagawin sa namamalimos na may kasamang magulang; kaaawaan, kaiinisan o kunwa’y hindi mo napagmasdan?

difficult round

ang pinakamahirap palagi ang tanong sa puso dahil hindi niya kayang magdahilan.

may script ba kung sakaling makita mo ang ex na may kasama ng iba at alam mo sa sarili mong hindi ka pa handa na makita sya?

tinuro ba sa’yo kung paanong ikaw lang at wala ng iba?

e ang paghihintay? ano ang gagawin sa pagitan ng pag-asa at pag-aasam?

may paraan ba kung paano mapapagaan ang pagpapaalam gaya ng sinasabi sa kanta?

at higit sa lahat, paano mo sasabihing hanggang dito na lang?

anong salita ang sasabihin para manatiling magkaibigan

o paano mo paniniwalain ang sariling tama na at tama sila.

paano kung konsepto lang ang win-win solution,

dahil parehong pagkabigo ang inyong nararamdaman.

sadya nga bang walang magaan na pamamaalam?

sa huli

malalaman mong hindi rin pala tinuro ang magmahal.

sa mga kusang nagmahal at natuto

marami pa ring matututunan; sa mga tanong gaya ng bakit at paano.

kung wala na ang lahat

(reaksyon sa napanood na romantikong marriage proposal sa youtube video)

Kung wala na silang mga kaibigan na nakasaksi sa ating pagmamahalan

nambubuyo, nanunukso, kasama sa inuman at harutan

Kung hindi na tayo makakasama sa mga okasyon

group meetings, bonding  at kung anu-anong pagtitipon.

Kung wala nang pampanood ng sine, wala ng pagkain sa labas

walang pantravel, panggimik at pang socialize.

O kung wala na ang imahinasyong musika sa isip natin

sa t’wing tayo ay magkasama.

Kung wala ang cinematography, ang magagandang lugar na pinupuntahan natin

kung wala nang masabi , wala ng tula,

walang musika at matatamis na salita

Kwadrado.

Kung wala ang mundo,

ang kulay, ang imahinasyon

kung nasa loob lang ng kahon.

Ikaw. Ako . Tayong dalawa lang

Hangin lang sa pagitan natin

Titingin ka pa rin ba sa akin?

Masasabi mo pa kayang I do?

dahil ikaw ang pinipili ko

at ako ang pagpipilian mo

hindi sila, ang okasyon, ang mundo

Ako lang para sa ‘yo.

dahil doon magsisimula ang mundo.

sa ating dalawa.

kahit wala na ang lahat, wala ang iba.

Guest Blogger 3 – Carlo Vidamo

Tapos na ang eleksyon at siguradong pababa na ang atensyon sa Vice Ganda – Jessica Soho issue kaya balik blogging na.
Ang ikatlong Guest blogger para sa ika 8 anibersayo ng aking blog ay nagwagi ng unang karangalan para sa kategoryang Photoblog noong 2011 Saranggola Blog Awards. Pinamalas nya sa blog na ito ang kanyang angking galing hindi lang sa pagkuha ng larawan kundi maging sa paghabi ng mga salita (wikang Ingles) at pagkalkal sa ating imahinasyon.
Ang Guest Blogger na ito ay walang iba kundi si Carlo Vidamo na may blog na Where The Almighty Dwells
Si Carlo Vidamo ay ipinanganak noong 1989. Siya ay kumuha ng kursong B Fine Arts in Painting sa UP Diliman. Siya ay nagpipinta, kumukuha ng larawan, nagsusulat, at umaawit(tuwing naliligo sa banyo). Siya ay isang alagad ng sining kahit na ito ay self-proclaimed lamang. Kasalukuyang manunulat sa ilang lathalain sa iba’t-ibang panig ng mundo bilang isang anonymous writer (pwede na ring struggling writer). Nagpaplano rin siyang lumahok sa LIRA sa takdang panahon, at nais na magtanghal ng isang eksibisyon ng kanyang mga naipinta sa susunod na taon. Mahilig siyang magluto at labis kung uminom ng alak at madali rin siyang yayain(alam na!). At bukod sa pagiging gwapo at lubhang talentado, siya ay mataba at may bali-balikong daliri at dalawang kalawing paa at barubal ang kanyang pananalita. Siya ay isang dalubhasa sa pagiging isang batugan AKA pagpapalaki ng betlog.
Nais ko lang ipaalala na ang blog na ito ay nasa wikang Ingles at Rated PG.
Medyo mahirap ang pagsubok na dinaanan ng guest blogger natin dahil isang kilalang artista ang ipinagamit kong inspirasyon sa kanya – si Piolo Pascual 🙂
 
Challenging di ba? hehehe
Mula sa larawang iyan nabuo ang blog na ito na sadyang walang pamagat.
In that instantaneous, blissful moment, we were one. Our bodies grooved to the music of the night that was subtle, euphoric, and ethereal. As our bare vessels swayed ebbed to and fro, our lips parried like ice-hot daggers in duel: fueled and riposting with such enormous power graced with lush and lust. So I slithered downhill and gently pushed my rod into your hilt. Warmth embraced my manhood — making it more erect than ever.
I thrusted my hips swiftly while you let out those suppressed yet audible moans — making me more famished for human flesh. I swayed and gyrated as your body twitched with both delight and pain, every single flesh throbbing in each fastidious movement I executed. You buried your nails in my arched back as my tongue wandered inside your lips.
The sound of our skins clasping grew louder, the echoes of pleasure melted completely in that eerie air, and we were breathing hard: muttering prayers and cursing all the angels and saints with the ecstatic pronouncement of the staccato of vowels.
                     Ooze.
                 Squirt.
                           Drip.
                  We fade
                        into
                    nothingness.
And we just lay there, curled naked on the seashore, enjoying the soft kisses of the fine sand in the spaces between our toes as I track the reflection of the night sky and its constellations in your pupils. The sand is cold and so is your sweaty skin which is, by the way, my favorite piece of fabric ever woven. It just flows gently onto mine like a premature but excellently crafted velvet that is neither too smooth nor too textured.
And I just lay there, listening to the beautiful music that is the howling of the wind and the splattering of the waves and the quite muffled voice you exhibit when you speak. I do not understand everything you say, for I was too busy deciphering the beauty of the moment of that spectacular fornication, of the night, and of your lashes that fan semantically every time you close your eyes to pause.
You just lay there, talking. Your eyes glued to the freckled abyss. Ignoring the sycophantical guffaws I execute every time you look at me for a retort. You said that the sky is beautiful, and I said in my head that you are the most beautiful. No, look at those stars that sit together in a line as though triplets, you say. Ah, that’s the Orion’s Belt, I tell you. And you harked about how those stars seem like puny troublesome dots that meant nothing.
I felt sorry for the stars because I understand them deep down — their sorrows, their secrets, and the stories they all keep. I looked at the Orion’s Belt and realized how disconcerting they really are — and the stars next to it, and suddenly, I was overwhelmed by their laments that scatter and glitter quietly in the long streak of darkness. It reminds me of everything; of all the tittles of those “I…”s that you weren’t brave enough to bark clearly, let alone finish.
We just lay there, silently: you were mute, carefully choosing the words in your head; I was instantly deaf, because it is that long, unbreakable silence that gave birth to the pile of unfinished sentences that pierces me through and through. And just like every night of broken china, the sky was starting to emit blue that becomes paler and paler, vanishing the army of stars. The sun started to shine, and the words never — not even in a million light years away — left you.

Ang Sabi ng Puso

Hindi ako naniniwalang may isang itinadhana para sa atin.

Bullshit  yun. Sa t’wing makakakita ako ng foreigner

naiisip ko, ano yun, majority ng itinadhana magkakalahi?

‘Pag Pinoy ka malamang ang katadhana mo ay Pinoy din?

Sinadya ni tadhana para hindi ka mahirapang maghanap?

Hindi ba nya naisip noon na magkakaroon ng Facebook,

ng chat o kaya ng promo fare? Nakakalokah!

Nagugustuhan mo ang isang tao dahil sa comfort.

Kaya ko ‘tong paamuin, gusto ko ‘to, swak kami,

nagkakaintindihan kami. Good vibes kami. Okay kami.

Hindi kumplikado, hindi magastos, masaya ang puso ko,

panatag ako sa kanya – komportable ako sa kanya.

Noong medyo bata pa ako, hindi ko iniisip ang pag-ibig.

Wala akong pakiaalam.

Abala ako sa paaralan, sa organisasyon,

sa mga gawaing panlipunan.

Magpatuloy sa pagbasa

Last Summer

Gumising tayo ng maaga, sinimulan natin sa isang mainit na kape matapos ay binaybay ang tabi ng dagat nang makalanghap ng sariwang hangin.

Sabi mo, gusto mong bumati dahil maganda ang araw

At para ngang naririnig kong binabati mo ang lahat, nakangiti, maliwanag ang mukha lalo na ang iyong mata. Alam kong masaya ka.

At sila rin ay bumabati sa’yo, para bang  nakikipagkulitan ka. May sarili kang mundo sa mga oras na iyon, ngumingiti, kumakagat sa labi sakaling napapansin mong may tumitingin sayo at nagtataka kung bakit ka ngumingiting mag-isa.

Medyo nakakabisado ko na ang galaw mo, mga mannerism.

Siguro nakikiliti ka sa malambot na buhangin o di kaya sa dampi ng malamig na tubig na parang nakikipaglaro sayo ng habulan. Ganun din, dinuduyan ang  buhok mo ng malambing na hangin at ang araw, waring nakikipag-usap sayo, nagsasabi kung gaano kaganda ang umagang naghihintay.

Madalas, ito lang ang oras kung saan tayo nagkakasarilinan. Sa mga susunod na oras, magigising na ang barkada natin, simula na ng tawanan, lakaran, beach and other water activities at inuman in between.

Tuwing bakasyon, tuwing summer, sa Boracay tayo tumatambay.

Hindi rin natin pinalalagpas ang summer ng hindi tayo gumagawa ng castle. Every year may picture tayo ng nito. Except 2 years ago, kung kelan namatay ang mother mo sa breast cancer. Architect ang mom ko kaya naisip kong malulungkot ka lang kung gagawa tayo ng  castle kaya sinabi ko sa barkada na wag na tayong gumawa nito.

Tahimik ka buong araw. Actualy sa buong bakasyon ata natin dito, hindi ka nagsasalita. At ako rin, nakikiramdam. Hindi ko alam kung anong iniisip mo o nararamdaman mo. Parang mas gusto mong magreflect, mag-isip at i-enjoy ang sarili.

Parang may pinaghahandaan ka o may hindi sinasabi.

Tinapos mo ang araw sa paraw sailing. Sabi mo gusto mong makita ang sunset. Sabi mo pa, gusto mong magpaalam ng personal sa araw.

Gusto mong magpaalam, siguro nga dahil huling araw natin dito, magkakanya-kanya na naman tayo. Si Siam, babalik na sa America, si Mon sa Cebu, at si Racquel sa Hongkong. Yung iba, sa Manila nga pero bihira naman natin makita dahil nga may kanya-kanya ng pamilya.

Huling gabi sa Boracay. Huling Summer, dahil nang gabing iyon, tinanggap mo ang singsing na binigay ko at sinabi mong pinag-isipan mong mabuti ang matagal ko nang inaalok sayo.

Ito ang huling araw na magkaibigan tayo at last summer na single tayo.

Stolen Shots

Una kong natanggap ang picture na yun pagbaba sa taxi. Inabot sa’kin ng taxi driver nung nagbayad ako, merry christmas daw, regalo niya sa mga pasahero niya. Nakababa na ko ng binigay niya iyon, nung binubuksan ko na ang envelop, pinaharurot niya ang taxi at laking gulat ko nang makita ko ang nasa larawan – Picture ko habang naghihintay ng taxi.

Iniisip ko kung pano niya ako nakuhaan ng picture, kung sino siya.

Isang unregistred number ang nagtext, “bakit ka nag-iisa?” tumingin ako sa paligid, walang tao, madilim, dali-dali akong pumasok ng bahay. Magpatuloy sa pagbasa

years after…

Nakausap kita, nangangamusta. Binalita mo na okay ka na. Nakamove on na.Kinalimutan mo na siya. Natatawa ka pa nga. Sinasabi mong mabuti at wala na kayo. Nalulungkot ka sa nangyayari sa kanya pero wala ka ng magagawa. Nagkanya-kanya na kayo at nagpapasalamat ka sa Diyos dahil ginising ka niya. Iyon ang sinabi mo. Magpatuloy sa pagbasa

Slippery When Wet

(babala: patnubay ng magulang ay kailangan. Hindi angkop sa mga bata.)

Naniniwala ka ba na every 7 seconds sex ang iniisip ng lalaki?

Uy hindi ah

Oo, at out of  100, 54% ng lalaki ganun

Saan mo naman nakuha yan?

Nabasa ko, at sabi pa 98% ng lalaki nagmamasturbate sa CR

Grabe, ganun ka kainteresado sa sexual habits ng mga lalaki?

Dati kasi akong lalaki

Naniniwala ako

Sira, nabasa ko lang.

E anong ginagawa nung 1% na naliligo? Magpatuloy sa pagbasa

Watch Out! Falling Debris

(Hindi angkop sa mga bata, patnubay ng magulang ay kailangan.)

O ang aga mo, mamaya pa tayo ah. 8PM daw.

Yup, i know, kaya nga inagahan ko. hindi na ko makakasama mamaya.

weird, anong bago at bakit ka biglang napadaan?

sabihin mo nga sa’kin, ikaw ba naniniwala na may one true love?

Okay ka lang?

seryoso ako, sagutin mo tanong ko.

anong problema mo? darating ka dito, uninvited, ni hindi ka man lang kumatok at saka mo ko tatanungin, wait wait wait, namumula ang mata mo, mukha kang disturbed, adik ka no? lulong ka sa shabu ano? Magpatuloy sa pagbasa

what is love?

Merong isang bahagi ng sarili na hindi mo kayang kontrolin. Hindi ito tungkol sa mga involuntary muscles natin. Tungkol ito sa sitwasyon ng buhay mo na hindi mo maipaliwanag kung bakit nagaganap.

Tinuruan tayo sa paaralan na ang tao may talino at kakayahang pumili, pinalaki tayo na para bang kasalanan ang magkamali. Para bang wala tayong lisensya na maging tanga dahil daw may utak tayo. Magpatuloy sa pagbasa