Lucky Seventh

Interesting at talaga namang natawa at naexcite ako sa wish na ito mula kay Zyra Bambico ng blessed Zyra :

Happy Anniv Kuya Blue 🙂
Eto po ang aking hiling hehe:

Sana may pitong (o kahit isa lang) bata (ung tipong hindi naman gaano ka-blessed financially) ang iyong mapagupitan (shampoo + blow dry), mapalinis ang kuko at paa.
Hindi po kasi nila yun afford, kahit P50 lang ang gupit sa ibang salon, hindi pa rin nila yon kayang bayaran. Naalala ko kasi ung tatay ko, sabi nya, si lola lang daw ang naggugupit ng buhok nila dati para makatipid kc 8 silang magkakapatid. Sana po ay matupad mo ang wish na ito.
God bless sayo kuya!
Kaya naman niyakag ko ang kaibigan ko na si Ate Angie Sumaway para isagawa ang pagpapagupit, paglilinis ng kuko at pagpapakain sa mga bata sa Payatas. Sa pamamagitan ng PICO – MPC Payatas at mga Out of School Youth volunteer na nakatapos ng cosmetology sa pamamagitan ng I Can Foundation ay ipinagkaloob nila ang kanilang talento at natutunan sa isang taong pag-aaral. Kaya nga nung June 9, 2012, naisagawa ang wish na ito ni Zyra 🙂

To view this photo slideshow you need to have Flash Player 9 or newer installed and JavaScript enabled. PhotoSnack.com is a photo sharing website that allows you to upload your photos and share them with your friends.

Wish Granted!

Maraming – maraming salamat sa mga nagwish, sa mga tumulong maisakatuparan ang mga hiling na ito at higit sa lahat, sa patuloy na nagbabasa at sumusuporta sa aking blog. Maligayang Pitong Taon at hanggang sa mahabang taon pang darating!

Add to DeliciousAdd to DiggAdd to FaceBookAdd to Google BookmarkAdd to RedditAdd to StumbleUponAdd to TechnoratiAdd to Twitter

Advertisements

Lucky Fifth

Hindi ko talent ang hiningi ng blogger na ito kaya humingi ako ng tulong sa iba. Ito ang kanyang email

mula kay Khanto Saberola ng Kwatro Khanto

New Header po ang aking kahilingan para sa Lucky 7.

Medyo napaglumaan na ng panahon ang header na ginagamit ko. Hindi ako makagawa dahil may sira ang computer ko sa bahay.

Yun lamang po.

Happy 7 years sa inyong blog.

more power and god bless 😀

Magpatuloy sa pagbasa