May Learning

Mga natutunan ko nitong buwan ng Mayo.

  1. Ang Corregidor pala ay parte ng Cavite at hindi ng Bataan.
  2. Mayroon palang tinawatag na Jabidah Massacre, nakakapanindig balahibo.
  3. at may plano palang bawiin ng Pilipinas ang Sabah noon!
  4. Hindi naman pala maliit ang isdang butete
  5. Ang sea horse ay ang nag-iisang lalaking  hayop na nabubuntis
  6. Ang ecstacy at absolute mineral water ay mainam na pampagana.
  7. Hindi bagay ang bandana kung nakahubad.
  8. Mahirap makipagrelasyon sa marunong mag lypo. Para ka lang nilalypo!
  9. Mas importante ang issue ng sex scandal kesa sa isyu ng mga isla sa Kalayaan! Magpatuloy sa pagbasa

Ganun Talaga

sabi, upang magkaroon ng ebolusyon, kailangang may mawala.(last line from my previous post)

hindi ko naisip na may katotohanan pala ito. Nyak!

Its my day! Weird. Pumasok ako ng tirik na tirik ang araw, hinintay lang akong makapasok at bumuhos na ang ulan :

mula sa Ulan sa Buwan ng Abril

Mayroon ding mahina subalit matagal

nakakainip na parang walang katapusan.

Tila pinong buhangin, sumasaboy sa bubungan.

Isang mahabang pagbuhos ng ulan na kahit anong oras akong lumabas-pasok ay hindi siya tumitila. Wala akong nagawa kundi suungin ang mahinang mga patak; alanganin para maligo o kahit magkasinat. Pero isa ang tiyak, sapat upang malasahan ko ang luha ng daigdig, ang lungkot, ang paghahanap sa kahulugan. Magpatuloy sa pagbasa

I Resigned.

Flow. Guiding Principle ko sa taong ito. Padaluyin ang enerhiya. Makahinga ng mabuti.

Space. Kailangan ko ng maaliwalas na paligid. Alisin ang mga luma. Gawing maluwag ang silid.

Time. Huwag na huwag magmadali. Ibalik ang tamang oras. Huwag i-advance ang relo dahil lalong nalelate.

Being. Paunlarin ang sarili. Malinis na isip. Kapakinabangan. Puno ng pagmamahal. Magpatuloy sa pagbasa

Hanggang Kailan?

Gaya ng dati, habang tumatambay ako sa computer rental at nagpapalipas ng traffic, iniisa-isa ko ang you tube upang mapanood ang ilang bahagi ng pelikula, ilang video na gusto at makitawa sa palitan ng mga puna sa pagitan ng iba’t-ibang dayuhan.

Sa tabi ko, isang babae kasama ang kanyang anak.
Kausap ang kanyang asawa. Ipinapakilala ang ama sa anak sa pamamagitan ng camera. Pinaririnig ang boses sa mikropono.
Hindi ko alam kung t’wing kailan nila ito ginagawa, siguro minsan sa isang Linggo. Family bonding, upang matugunan ang pananagutan ng magulang sa anak, upang mabuo ang pamilya kahit sa artipisyal na paraan. Magpatuloy sa pagbasa

Enchanting Kingdom

Princess Nice

Pabalik kami mula Paseo de Sta Rosa to Manila, tinext ako ni Kathy para kausapin si Incy, inaantok kasi siya at baka isalpok niya ang kotse. Nagprisinta akong magmaneho kaso ayaw nila, mag-aral daw muna akong magdrive. Oo nga pala, napakahilig ko talagang magvolunteer! Kinausap ko na lang si Incy, sa mga oras na iyon, hindi ako handang mamatay, sabi ko nga, mahal ang mamatay ngayon o kung hindi man, mahal magpaayos ng mukha. Kakukuha ko lang last week ng insurance, hindi pa ata pwedeng magamit. Kung milyon ang kinikita ko tulad ni Pacquio, okay lang na magpabugbog, sa laki ng pera niya, pwedeng pwede siyang bumili ng mukha. Mamili na lang siya kung mukha ni Dela Hoya o ni Morales ang pipiliin niya pero i doubt dahil mukhang galit si Pacman sa mga gwapo. I guess ito ang motivation niya sa pakikipagbasagang ulo. Magpatuloy sa pagbasa

Anong Nangyari Kahapon?

Noong nakaraang araw ay patuloy na bumabagabag ang unti-unting pagkawala ng mahahalagang alaala; ang mga pangalan, mukha, pangyayari at kung anu-ano pa sa aking isipan. Sumasakit ang ulo ko sa t’wing pipilitin kong isipin ang mga iyon kaya sa mga susunod na araw ay nakatakda akong pumunta sa duktor para alamin ang problemang ito. Magpatuloy sa pagbasa

Third Eye

Tinatanong nila ako kung meron ba akong third eye, ang totoo, meron. Bata pa ako nung nadiskubre ko ito.

Di tulad ng ibang bata, hindi naging ordinaryo ang buhay ko. Gigising ng maaga, pag hindi bumangon ay mapipilitan sa palo. Kailangan kong magpa-igib ng tubig. Kailangan kong maglakad sa riles patungo sa patubigan. Ito ang bumuhay sa amin. Lahat kami – dumaan sa pagpapaigib ng tubig. Lahat din kami – napalo.
Pag-uwi naman, mabilis na maliligo dahil may pasok. Kung panghapon  ako ay madalas ala una y medya ang pasok. Kung pang-umaga naman ay ala sais. Kapag umaga ang pasok ko ay sa hapon ako nagpapaigib ng tubig.
Ilang taon yun. Iniisip ko kung kailan ako gagraduate sa trabahong ganun. Nasasayangan ako sa oras. Sa paglalakad sa riles patungo sa paigiban. Sayang ang oras na nakaupo ako sa bintana at nagbubukas ng gripo para sa mga sasahod. Naiinip ako sa buhay ng pagbubukas ng gripo – pagsahod ng barya. Magpatuloy sa pagbasa

Celebration of Life

At last, nakakita na naman ako ng sandali para mag update, magsulat at buuin ang nasa sa isip ko. Bihira ito mangyari, madaling mag-isip at magsulat subalit mahirap maghanap ng oras. Marahil sa sobrang kaabalahan. Gusto kong magsulat ng positibo sa pagkakataong ito. Yun bang celebration ang feeling. Magaan. Magpatuloy sa pagbasa

what is love?

Merong isang bahagi ng sarili na hindi mo kayang kontrolin. Hindi ito tungkol sa mga involuntary muscles natin. Tungkol ito sa sitwasyon ng buhay mo na hindi mo maipaliwanag kung bakit nagaganap.

Tinuruan tayo sa paaralan na ang tao may talino at kakayahang pumili, pinalaki tayo na para bang kasalanan ang magkamali. Para bang wala tayong lisensya na maging tanga dahil daw may utak tayo. Magpatuloy sa pagbasa

istranghero

Gigising ako sa umaga, kakain, tatakbo at makikipag-agawan sa taxi. T’wing umaga, parang patintero, iba’t-ibang mukha, lahat sila, lahat ng nakikita at nakakasalubong ko; ano man ang ayos, suot o itsura… pare-pareho sila – mga ordinaryong tao gaya ko na ginagawa ang aming trabaho, ang mga nakasanayan na namin, ang comfort. Lululan kami sa mga silid o cubicle at doon tatakbo ang buong magdamag. Sa silid na iyon binubuno ang buhay, kumikita at natututo. Hanggang sa hindi na namamalayan ang pagtakbo ng oras at ang pagkakataon ay nauna na sa ikot ng orasang nakakabit sa corkboard – nagdidikta, nakabantay sa maghapon – ang panahon, sumuko na sa routine ng buhay ko. Magpatuloy sa pagbasa

the week that was

Smart Connection

Bihira akong makipag away sa CSR dahil alam kong araw-araw ay nakakatanggap sila ng reklamo at ayoko ng dumagdag kaso hindi ako nakapagpigil ng malaman kong binabayaran ko pala ang internet connection na hindi ko naman nagagamit.

Mga 2 weeks ago ay sinubukan kong gamitin ang cellphone ko na naka 3G para makapag-internet. Sobrang bagal kasi ng PLDT DSL namin sa bahay; ang teorya 1. madalas ay sabay kaming magkapatid gumamit, 2. maraming gumagamit pag gabi 3. mahaba ang linya ko dahil nasa kwarto ako at 4. Php300++ lang naman kasi ang binabayaran namin so ano aasahan mo sa murang promo. Magpatuloy sa pagbasa

Daydream

Nakatitig ako sa monitor, hindi, ang totoo nakatitig ako sa’yo. Sa’yong alaala, hindi ko alam pero nagmarka sya dito sa isip ko, hindi siya makawala – ang totoo, nakulong siya sa puso ko, naiwan siya noong mahigpit kitang niyakap. Hindi na nakawala, naiwan ka dito. Magpatuloy sa pagbasa

Perlas

Matamang inaaninag ng buwan ang malalim na karagatan

sinusuyod ng malamlam na liwanag ang kanyang sinapupunan

tahimik, walang galaw, waring may ikinukubling sakit

at sa kanyang pagtangis, haharap sa kalawakang nagsusumamo ng pag-ibig.

Walang bulong na hindi makararating sa buwan, Magpatuloy sa pagbasa

Singapore : the magic is there

After ng mahabang kalbaryo ng pananakit ng tyan at pabalik balik sa Asian Hospital para sa check up, isang naiibang karanasan na naman ang gusto kong ibahagi.

Kababalik ko lang mula sa Singapore para sa limang araw na trabaho. Medyo kabado dahil nga first trip abroad at the same time, business trip so may expectations. Magpatuloy sa pagbasa

People Power

Pagkatapos ng 7 taon mula ng Edsa 2, tila ayaw ng bumalik ng tao sa Edsa. May People Power Fatigue na daw ang tao. Sawa na sa paulit-ulit na pagpapalit ng pinuno at nahihiya na sa mundo.

Ako rin, makailang ulit nang tinanong kung kailan ako sasama sa mga malilit na pagtitipon o kaya naman pilit kinukuha ang aking opinyon. Pabiro ko namang sinasabi na masama sa negosyo ang pagbabago. Status quo na lang. Magpatuloy sa pagbasa

Tinig

(ikalawang bahagi)

Noong bata ako, iniisip ko lagi kung ano nga ba ang gusto ko. Nakakapressure. Para bang worth 1 million pesos ang sagot sa tanong ng magulang mo : Anak, ano bang gusto mo paglaki mo? Naaalala ko pa ang mga itsura nila, lahat ng bisita ni Papa nakaabang.

Gusto k… gusto ko pong maging pari.

Natahimik lahat. Magpatuloy sa pagbasa

REUNION 2024

Kanina ko pa sila hinihintay. Ang sabi, ngayon daw ang class reunion e’ bakit kaya ang tagal nila? Ang sabi dito sa imbitasyon ay ngayon kami dapat magkikita-kita. Ito talagang Grade 6 – St. Michael. Ang bagal kumilos at ako pa ang pinaghintay. Sabagay, nararanasan ko naman ito araw-araw habang pinaghihintay nila ako sa 4th floor at sila naman ay nagkukumahog lunukin ang kahuli-hulihang pagkaing isusubo sa recess. Matapos mabilad sa araw ay papasok sa klase kong ang dudungis at nagkakalat ng masangsang na amoy; amoy-araw ika nga. Kulob pa man din ang kwarto kaya kahit anong lakas ng electric fan  at aircon ay paikot-ikot lang ang singaw sa klase. Sasabayan pa ng kamag-aral nilang ang hilig magpasabog ng di-magandang amoy. Ito ang tipikal na araw ko sa grade 6.     Nakakaaliw talagang alalahanin ang mga batang ito. Ang pasulyap-sulyap at nakaw na tingin nila sa isa’t-isa.  Si Lawrence na di makatingin pero pag nakatalikod saka tumititig. Si Emy naman kahit matalino ay eto, kilig na kilig pag napag-uusapan si…. Roland…Ronnel   ah Rennel! Tagal na kasi kaya di ko maalala. Si Viana nga pasimple pero sa grade 5 pala nakakaramdam ng pag-ibig. Hehehe, kung alam lang ng mga kaklase nila kung sino ang napupusuan ni Viana. Pero siyempre hindi ko sinabi sa kanila baka nga naman magalit si Mannix at naku, kaibigan pa yata nya yun….Hmmmm sino nga ba yun? Di ko na rin maalala. Magpatuloy sa pagbasa

Bagong Kaibigan

May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.

Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin. Magpatuloy sa pagbasa

Lighthouse

Naging busy ako kaya matagal ding nabakante ang espasyo ng blog ko. Siguro, may mangilan-ngilang sumisilip at nagtataka kung bakit hindi ako nakakapag-update, ang sagot – wala lang. ‘Yun ang mas pamatay – wala lang.

Hindi sa tinatamad, nagkataon lang talaga na gustuhin ko mang magsulat, nawawalan ako ng drive, parang kulang, parang pag pinilit ko – hilaw. Marami sanang magagandang karanasan kaso kapag isusulat ko na, pagod na ako at wala na akong gana.

Pauwi kanina, bilog ang buwan. Magpatuloy sa pagbasa

My African Dream

Habang ang lahat ng mga kalaro ko noong bata pa ako ay nangangarap na magpunta sa Amerika, hindi ko alam kung anong meron sa Afrika at simula ata ng magkaisip ako ay gustong-gusto kong magpunta doon. Kaya nga  isinama ko na sa plano ko na makapagvolunteer work sa anumang bansa sa malawak na kontinente nito. Magpatuloy sa pagbasa

Paramdam ka

Ooopps, dyan ka lang! Kung sakaling mapadaan ka, para sa’yo talaga ‘to. Ang tagal na nating hindi nag-uusap. Ang tagal na nating walang communications. Kahit hi o hello, kahit forwarded text o simpleng smile sa friendster – wala. Busy ba? Medyo busy rin ako. Ang totoo, nakakapagod kaya kahit ako, hindi makatext. Pero kanina,  sa meeting, walang anu-ano, naalala kita. Natulala ako, naisip ko, ang tagal na nga pala nating hindi nagkikita. Malalim ang buntunghininga ko nun, alam ko, may kulang. Magpatuloy sa pagbasa

Lugmok

Bakit nga ba mahirap at paano nga ba magmove-on?

Wala akong aklat na naisulat na tungkol sa pag-ibig o di kaya ay mga payo kung paanong makahahanap at makakawala dito. Hindi ko ito expertise.

Nabahala ako sa reaksyon at mga feedback ng blog entry ko tungkol sa move-on. Maraming natuwa at marami rin ang naantipatikuhan.

Isa lang ang masasabi ko : READ AT YOUR OWN RISK. Magpatuloy sa pagbasa

which star are you from?

sa relationship, parang kwento yan ng mga artista. halos lahat na ata ng klase ng relasyon ay maihahalintulad sa mga buhay-artista.

guy and pip

isang relasyong gawa-gawa lang at bunga ng malikot na imahinasyon. akalain mo bang bigyan pa kayo ng anak-anakan na manika? may mga kaopisinang parang mga fans na walang haribas sa pagpapartner at paggawa ng kwento ninyo. Magpatuloy sa pagbasa

anong ulam?

simula ng matuto akong maglakwatsa, este pumasok mag-isa, mamasyal at sa kasalukuyan ay magtrabaho, ito na nga yata ang bati ko sa tuwing uuwi – anong ulam? sigurado akong hindi ako nag-iisa. kung nagsasalita ang kaldero o kung biglang aapoy ang kalan, siguro ay magsasalita ito ng anong akala mo sa’min katulong na tagapagluto at maghahain sa t’wing uuwi ka? Buti na lang at hindi sila nagsasalita. Ang pinagtataka ko lang, nagsasalita naman ang nanay at tatay ko, pero hindi ko narinig sa kanila ‘yun. laging may sagot o kung wala namang ulam ay magsasabing bumili ka na lang dahil naubusan o hindi nakapagsaing dahil ikaw na lang naman ang kakain, baka sumobra at mapanis lang. hindi naman nila ako sinagot na “bakit nag-abot ka ba?” o kaya “anong akala mo dito, restaurant?” Magpatuloy sa pagbasa

Ano sa palagay mo?

desaparacidos. kung totoong sundalo ang gumagawa ng gayong uri ng krimen, anong edukasyon ang nakukuha nila upang manguna sa dahas, tanggaping matatamo ang kapayapaan at katiwasayan sa pamamagitan ng paglikha ng karahasan sa itinuturing pa lang nilang banta sa bayan – samakatuwid, ano ang pinagkaiba nila sa kanilang kalaban? Magpatuloy sa pagbasa

Kung sakaling may Diyos

alam kong harapin ang kamatayan, subalit wala akong sagot kung paano ko haharapin ang maylalang sakaling matanto kong sa isang bahagi ng buhay ay naroroon siya.

na siya ang may likha ng lahat at bahagi ako ng lahat.

na kung ang mga nagawa ko o ni iniisip pa lamang ay may kaukulang paghusga, at mapatunayang nagkasala higit pa sa inaasahang dami o bigat para sa isang taong dapat tumanaw ng kadakilaan, Magpatuloy sa pagbasa

ulan, ulan, sa aking bunbunan

gaya ng palaka na masayang lumulundag at kumukokak sa pagpatak ng ulan, heto ako… maligalig at nais damhin ang lamig ng bawat patak sa aking balat. kokak!

isang taon na rin akong nagtatrabaho ( na naman). Bihira na makatagal ako sa trabaho, ibig sabihin, masaya ako sa ginagawa ko. Yun nga ang nakapagtataka doon, paano akong nasisiyahan sa isang trabaho na Magpatuloy sa pagbasa

sapang-amarillo

dilaw ang kulay ng langit, kaya dilaw ang tubig.

natatandaan mo ‘to? kasama kita nung tinanong natin kay Nana Ponce kung bakit amarillo ang tawag sa sapang ito.

bihira daw na ang kulay ng langit ay gaya nito, madalas, kundi bughaw ay kulay rosas, pero dito sa atin – amarillo.

dito sa tabing sapa tayo unang namangha, dito rin tayo unang nagtanong. Magpatuloy sa pagbasa

hold-up for the nth time

Dahil election week, may liquor ban at dahil dito boring ang mga gimikan. pumunta akong QC (weekend hangout), nag pabody scrub, at tumuloy ako sa bahay ng isang long lost friend na naassign sa mindanao para sa kanyang Development Work – saving the children from armed conflict. Pabalik ako sana sa Payatas para sa SVO LTS, pero nauwi sa kwentuhan at bahaginan ng bago niyang natutunan sa pagtugtog gamit ang instrumento ng mga Yakan (katutubo sa Basilan). Magpatuloy sa pagbasa

10 taon sa ilalim ng makapal na ulap

1997 nang magdesisyon akong hanapin ang sarili kong landas. Tambayan ko noon ang tabi ng riles. habang binabagtas ko ito, pilit kong binibilang kung ilang makakapal na kahoy na ang tinutuntungan ko. ito ang hinahakbangan ko upang makarating sa tambayan. nakatutuwang isiping kinakaya ng mga kahoy ang tone-toneladang treng gumuguhit padausdos sa mahabang riles. kabisado ko ang oras ng pagdaan ng tren, alam kong may aksidente kung sakaling naantala ito. namamangha rin ako sa gahigante nitong makaninang waring nangangakong magdadala sa mga pangarap ng mga nakaangkas dito. Magpatuloy sa pagbasa

Ang pakikipagsapalaran ni Hipon

PAALALA: Hindi ito kwentong pambata

Isang umaga, kasabay ng pagbago ng ihip ng hangin ay ang biglang pagkabulabog ng mga lamang dagat.

“Anong nangyayari? Bakit nagkakagulo ang mga lamang-dagat?” tanong ni hipon

“Nagbabago ang agos ng dagat, patungo na ito sa gawing kanluran?”

“Ha? Bakit ganun? Baka maligaw ang mga isda, paano na ang mga isda” Magpatuloy sa pagbasa

Lampin

(Isang silid na kwadrado, may laking apat na metrong luwang sa magkabilang panig. Ang papag ang nagsisilbing higaan, hapag-kainan, upuan at palaruan ng bata. Sa ulunan nito ay may isang lumang tukador na wala ng salamin, mayroon itong isang drawer na pigtal na ang hawakan. Ang pinto ng bahay ay nasa gawing paanan, banggerahan naman ang katapat nito.)Tagpo : Pasado ala-una ng umaga. Sa Tahanang iyon. Magpatuloy sa pagbasa

Ang makulay na tulay ni ninang at ni inay!

Magkaibigang matalik ang nanay ko at ang nanay ni Rodel.
Oo! totoong magkaibigan sila mula pa ng malilit pa sila.
Madalas silang makitang magkasama.
Nagkukuwentuhan, nagtitirintasan ng buhok, magkasamang nagpapalinis ng kuko, naglalagayan ng make-up sa mukha, naghahatiran ng ulam at naririnig ko pang nagngingisngisan sa t’wing pinag-uusapan ang mga tatay namin. Magpatuloy sa pagbasa

Nang minsan kaming maging kalabaw

1997, unang taon sa kolehiyo at magpapasko. Agad akong nag impake ng mga damit papuntang
Cabanatuan. Ito na ata ang unang pinakamatagal na byahe ng buhay ko. Kung anu-anong kumalat na balita tungkol sa kaibigan ko. Magpapakasal na daw sa iba, nabuntis na daw, iniisip daw na magpalaglag at marami pang hindi tiyak ang kasagutan. Boyfriend din niya ang kaibigan ko at siya lang ang nawalay sa amin dahil doon na siya nanirahan. Siguro nasa 7 kaming pumunta. Magkakatropa. Magpatuloy sa pagbasa

Bulalakaw

Sa Davao del Norte ko nakaulayaw ang mga bulalakaw. Kinailangan kong makipamuhay sa mga Dibabawon sa maikling sandali upang mapakinggan ang kanilang mga karanasan at gayundin ay makapagbahagi. Edukasyong Pangkatutubo ang paksa namin at layon namin. Nakapagsimula na sila at sa totoo lang, mahusay ang kanilang pagkakabalangkas ng kurikulum. Magpatuloy sa pagbasa

school bus

namamaos na ang aircon sa kabubuga, halata na sa maingay at gasgas nitong tunog. Gayundin, ‘wag idalanging malubak at papatak ang tubig mula bunganga nito. Maswerteng nakakuha ng upuan sa tabi ng bintana ‘ngalang hindi pwedeng sumandal. Naglilimayon ang maliliit na ipis na padaan-daan at tumutulay sa bintana. Gabi na, madilim at makapal ang usok sa labas mula sa mga tambutso ng sasakyan. Walang matanaw at kung mayroon man, nahaharangan ng mga sulat Hapon o Intsik na nasa kulay pula. Matagal na ‘tong nakapaskil at nakikita sa mga bintana ng bus ngunit hanggang ngayo’y walang makapagsabi ng kahulugan. Minsang naiisip na lang na baka ang nakasulat dito ay Hudas not pay or God Bless our trip. Pwede rin sigurong basta driver sweet lover. Sa bawat gilid ng bintana ay may pindutang hindi naman gumagana. Kahit hindi nauunawaan ang nakasulat, natitiyak na ang tinutukoy rito ay pindutin kung bababa. Magpatuloy sa pagbasa

Blue Jeans

Nandidito kami ngayon Nagsusumikap sa araw-araw
Kayod nang kayod hanggang sa mapagod Maagapan ang natatanaw

motivation. sa ngayon, wala ako nito. sa dami ng theories on motivation, ni isa ay di ko madigest. unlike before. Magpatuloy sa pagbasa