Ako naman ang magsusulat…

Habang kasalukuyang ginigisa ng mga hurado ang mga Maikling Kwento, Tula at Kwentong Pambata ng mga kalahok sa Saranggola Blog Awards 2, may oras na akong magsulat.

Klap! Klap! Klap!

Kanina sa meeting, tumayo ako saglit at iniwan ang aking notebook, pagbalik ko, tinanong ako ng kameeting ko kung nais kong maging doktor. Sinuklian ko siya ng tawa.

Sadyang hindi maganda ang sulat ko maliban sa pirma ko.

Ngayon, sa pagitan ng pagsusulat at pagkukwento, mas gusto ko ng magkwento na lamang. Lahat ng dahilan ay naiisip ng kamay ko pag magsusulat na siya; naroong nangangawit ito o kaya naman ay nanginginig.

Naaalala ko pa noong Grade 1 ako at pinasulat kami sa papel ng aming pangalan. Dapat punuin namin iyon – harap at likod, bago kami payagang makauwi. Hindi ako nag kinder kaya hirap na hirap ako. Hindi ko rin makuha ang logic ng pagsusulat ng pangalan sa isang buong papel. Siguro para bata pa lang ay makilala ko na ang sarili ko. Paiyak na ko noon nang mag-abot ng tulong ang kaklase ko na siya na ang magsusulat para sa akin, napansin niya atang naluluha na ako sa activity na yun.

Grade 2 naman kami nag cursive writing, nagustuhan ko ito. Mas mabilis pala pag kabit-kabit at hindi na ako tumigil noon sa pagsusulat.

Naging aktibo ako sa klase. Ako ang unang sumisigaw ng “Finish” sa t’wing matatapos akong magsulat. 4th year High School na ata akong tumigil sa pagsigaw ng “Finish”.

Ang ballpen ko noon, laging finish din. Tuwang-tuwa ako pag nauubos ko ang tinta. Pag nauubos kasi, kinukuha iyon ng pinsan ko, pwede daw palitan iyon ng bago basta isauli lang ang basyo – Panda at Kilometriko ang ballpen ko noon.

Ilang kilometro na kaya ang narating ko sa haba ng mga letrang naisulat at pinagkabit-kabit, malayo na nga – hindi lang sa layo ng lugar kundi sa haba ng panahon na nabuhay ako. Tama nga naman sila sa sinabi nilang malayo ang mararating mo kung marunong kang magbasa at magsulat.

Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko kaya’t minarapat ng Diyos na magturo ako sa elementary at pahawakin ng mga makukulit na istudyante. Nagturo rin ako ng cursive writing.  Dalawang taon lang iyon, umayaw na ako at sign na siguro na magresign nang masabihan ako ng Grade 2 student ko na ginagaya niya lang ang sulat ko nang minsang pagsabihan ko ito na ayusin ang pagsusulat. Minsan rin nila akong sinita kung bakit daw kami nagsusulat sa hangin. Hilig ko kasi noon na pasulatin sila ng cursive sa hangin, gaya ng natutunan ko noong elementary ako. Ewan ko ba, ang sarap ng pakiramdam kapag sabay-sabay kayong nagsusulat sa hangin.Parang mas natututo, sama-sama at nagkakaisa kayo sa pagsusulat.

Hanggang sa namalayan ko na lang na ang gawaing iyon ay nangyayari ngayon.

Ang pagsusulat sa hangin – sa virtual world, sa lumulutang at malawak na espasyo ng internet.

Dito, sama-sama tayong nagsusulat, nagkukwento at nagbabahagi ng ating mga karanasan at natututunan.

Nagkakaisa tayo – gaya ng 52 bloggers na nakiisa sa pagsulat ng maikling kwento, tula at kwentong pambata. Sa lahat ng sumali at patuloy na sumusuporta sa Saranggola Blog Awards Year 2, ngayon palang ay nais kong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat. Ngayon, mayroon na tayong walumpong (80) bagong mga akda, lumilipad gaya ng saranggola sa kalawakan ng internet.

—-

Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga bagong manunulat! Klap! Klap! Klap!

lipadlaya. siyetehan. r. mysterio. eloiski . 2rivers. bevs. spagetisows. katrinadanieles.The_empr3ss. batang istik. livingstain. maskara. forbiddenlei. aboynamedxander. jasonhamster. punlaangpanulat. iheartf. fielsvd. princessnins. kwentotpaniniwalanihitokirihoshi. goyo. metaporista. andee. dahnjacob. tuyongtintangbolpen. cuteberl. toyangxcorebatangmangyan. batanglate. thysecretgarden. salbehe. machongbutiki. zyramae. tuwatula. paulpruel. anakngpiso. mispah. foobarph. pengengbente. tsiremo. row3na. lostpiratekeko. blurosebluguy. duking. arsean. taribong. stilssdd. bonistation. ryanjay. mariaespie. purpledribbledlife. topexpress.

Saranggola Blog Awards 2010

Cebu Dancing Inmates

Proud to be Pinoy na naman ang pakiramdam!

Panoorin ang Cebu Dancing Inmates kasama ang choreographer na si Travis Payne.

— patalastas

Naka-dotcom na rin ang Saranggola Blog Awards. Abangan ang mas kapana-panabik na blog event na ito ngayong taon :

i-klik ang logo para mapuntahan ang bagong site :

Saranggola – Huling Hirit para sa 2009

Naipamigay na po ang mga saranggola na ipinangako namin kapalit ng 34 entries na isinali ng mga bloggers. Napili namin ang lugar ng Botolan, Zambales dahil madaling puntahan, may malawak na lugar para magpalipad ng saranggola at para isabay na rin ang pamamahagi ng konting relief goods dahil sa typhoon Peping noong unang Linggo ng Oktubre, magpahanggang ngayon ay nasa tent pa rin sila.

Mabilis na kwento Magpatuloy sa pagbasa

Isang malaking SALAMAT!

Sa loob ng halos mag-aapat na buwan na tinakbo ng patimpalak sa pagsulat na ito, mula paghahanda, pagpapakilala at pagbibigay ng award; marami akong nakilala, naging kaibigan at natutunan. Akala ko noong una ay madali lang magpakontes, pero nang umandar na ito at ipinakilala… hala! ang dami ko palang dapat asikasuhin. Buti na lamang at marami akong kabagang na tumulong.

Nais ko sanang ipaabot ang napakalaking pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa inyong lahat na naniwala at nag abot ng tulong.

Gayundin  sa lahat ng sumali; nag-isip, nagbigay ng oras upang paganahin ang naitago sa baul nilang kaalaman sa pagsulat, Maraming salamat at marami naman kayong bata at maging matatanda na mapasasaya sa inyong mga sinulat.

Sa lahat ng sumali : Magpatuloy sa pagbasa

Saranggola Winners at Pahabol na Quiz Bee!

Narito na po ang listahan ng mga nagsipagwagi para sa karangalang Blogaling!

Judges Choice / Blogaling!

  1. Ito yung mapipili ng mga hurado
  2. Hindi muna ipakikilala ang mga hurado
  3. May Palanca awardee, sikat na vlogger, artist, influential blogger,author ng aklat, Professor, at iba pa. Kasalukuyang kinokontak ang ilan sa kanila; ang iba naman ay tumugon na.
  4. Magkakaiba ng hurado sa iba’t-ibang kategorya; kami na lang ang magsusuma o magcocompute ng mga puntos na binigay ng hurado. Magpatuloy sa pagbasa

Saranggola Blog Awards (UPDATED – AUG. 17, 2009)

“Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!” Magpatuloy sa pagbasa