Anong Nangyari Kahapon?

Noong nakaraang araw ay patuloy na bumabagabag ang unti-unting pagkawala ng mahahalagang alaala; ang mga pangalan, mukha, pangyayari at kung anu-ano pa sa aking isipan. Sumasakit ang ulo ko sa t’wing pipilitin kong isipin ang mga iyon kaya sa mga susunod na araw ay nakatakda akong pumunta sa duktor para alamin ang problemang ito.

Plano kong gamitin ang mahaba-habang bakasyon ngayong Disyembre upang icomputer – i-digitile file ang mga tula, kwento at nobela na naisulat ko mula noong ako ay nasa elementarya pa lamang. Panahong ang mga sulat ko ay nasa kwaderno at mga sala-salansang papel na inipon ko. Hindi pa uso ang computer at typewriter pa lamang ang gamit ko kapag sinisipag akong magtype. Sa t’wing binabasa ko ito ay namamangha ako kung paaanong sa gayong edad ay nakasulat ako ng magagandang prosa. Lahat ng iyon ay plano kong icompile at gawing personal na libro. Alaala iyon ng mayaman kong nakaraan at imahinasyon.

Noong nakaraang Linggo, pag-uwi ko sa bahay ay nakita ko ang mga plastik ng basura sa tapat ng gate. Binungad agad ng nanay ko sa akin na nilinis niya ang aparador ko at natagpuang ang ilalim nito ay kinain na ng anay. Nagkaroon na daw ng punso at ginamitan pa niya ng kahoy upang tibagin ang mistulang bundok ng lupa na nabuo rito; isang punso na mula sa mga papel na iningatan at inipon ko; mga papel na pinagsusulatan ng aking mga tula, nobela at kwento.

Wala na nag lahat ng iyon. SIyam na buwan kong hindi nasilip at nalamang kinain na pala ng anay.

Akala ko ay memorya lang ang mawawala sa akin. Pati pala ang mga naisulat ko noon ay mawawala rin. Hindi ko na kayang ibalik ang mga tula, ni hindi ko natatandaan kung anu-ano ang mga naisulat ko.

Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. HInalungkat ko ang basura at nakapagtatakang tanging isang diary noong 4th year high school ang natira. Panahon na hindi naging maganda ang alaala sa akin.

Inisip ko na lang, siguro wala ng saysay na ibalik ang nakaraan. Siguro mas maraming magagandang mangyayari sa kasalukuyan na dapat alalahanin. Ang natitiyak ko ngayon, kahit ang kinabukasan ay hindi na dapat masyadong ipinaplano, tanging ngayon ang mahalaga sa akin. Mabubuhay ako sa bawat araw na waring huling araw ko na, ito ang totoo, ang ngayon.

May mga sinusulat akong mga kwento, naglalaman ito ng iba’t-ibang kwento sa hardin. Plano kong ilabas sa blog na ito sa taong darating. Minsan siguro sa isang buwan o isang linggo. Pero naisip ko, ilalathala ko na siya ngayon. Hindi ko natitiyak ang bukas.

Kung nais ninyong basahin ang compilation na ito, sundan sa pahina ng blog na ito ang “Mga Kwento sa Hardin”

narito ang unang kwento

Ang Akasya

4 comments on “Anong Nangyari Kahapon?

  1. waw! parang ngayon ko lang narealize na bernard umali pala… akala ko bernard muli…niloloko na naman ako ng mga mata ko. tskk!

    oo nga. dapat di na natin hinahalungkat pa ang nakaraan…. mas mabuti pang manatili na lang sila sa kaibuturan ng memorya…

    nakakatuwa na ang isang lalaki ay nagdadiary. ๐Ÿ™‚
    pero sayang ung mga naisulat mo noong bata ka pa kasi nakakatuwang isipin na ganoon ka pala nung bata ka. toinks! anu daw? hehehe.. ๐Ÿ™‚

    magandang pnanaw sa buhay iyan. naiinspire na ulit akong mabuhay dahil sa post na ito. hakhak. =P

    blue : ang lalim ng pinaghugutan ng inspirasyon. lol. toinks

  2. hi! sayang noh? pero ganun daw talaga may mga bagay na nangyayari kahit ayaw natin kasi may dahilan.. lahat may dahilan.

    adik ka pala..

    adik ka sa pagsusulat ng kung anu-ano.. hehehe

    e nakagawa ka na ba ng pocketbook? ung mala- precious moments. o minsan naisip mo na?

    blue: nakasulat na ko ng pocket book kaso nga unpublished at inanay so wala na siya.

Mag-iwan ng puna