Saan ka pupunta ha? Tatakbo ka pa?
Boses iyon ng gagong tambay sa kanto na walang magawa kundi mag-amok at magyabang habang bitbit niya ako at lulutang-lutang nang mahawakan niya ang backpack ko. Pakiramdam ko noon, ako si Donatelo; ang alaga kong pagong, kung paano ko ito hinahawakan sa kanyang likod at tinuturuang tumakbo ng matulin. Sa twing hahawakan ko kasi siya sa bahay niya ay papalag ang kanyang paa na mistulang tumatakbo, subalit may kung anong hiwaga ang lupa na sakaling masayaran ni Donatelo ay nag eenjoy siya at nagpapabagal sa kanyang paglalakad.
Aray ko!
Reaksyon ko sa pagkutos niya sa ulo ko. Mayabang talaga ang adik na yun.
Saan ka pupunta, pengeng dalawang piso? Nasan ang dalawang piso?
Madalas niya akong mapagtripan at hingan ng pera pero sa pagkakataong iyon ay handa ako, bumunot ako sa bulsa at sabay wika
etong dalawang piso mo
sabay hagis sa mukha niya ng buhangin mula sa bulsa ko.
Nabitawan niya ako at syang pagkakataon ko namang tumakbo. Nilingon ko pa siya at nang makita kong hindi siya makakita at humihingi ng saklolo ay bumawi pa ako ng sigaw
Saklolo mo mukha mo, sabay pukol ng bahagi ng basag na paso na madalas ay gawing pangguhit sa patintero o piko, tumama ito sa noo niya. May kung anong lakas ng loob ang naipon sa akin at sumigaw na naman ako ng
Gago ka! Pakyu! Pakyu! Tirador ng tutong!
halos lumitaw ang litid ko kakasigaw, ipit na ipit ang boses ko na namamaos. Punung-puno ako ng emosyon noong mga oras na iyon. Para akong si David na nakapatid ng Goliath na adik. Nang napansin kong nagkakamalay-hayop na siya, saka ako kumaripas ng takbo.
Iyon ang huli kong kita sa kanya.
Nang sumunod na araw, lumipat na kami ng bahay. Natakot ang inay dahil daw adik ang tinalo ko at gigripuhan daw kami nun kaya payo ng mga kapitbahay namin ay bago pa pumutok ang mga bituka at leeg namin sa saksak ay umalis na kami sa pagputok ng araw.
Ganun ko nabago ang buhay ko, ng buhay ng pamilya namin. Kailanman, hinding-hindi ko iyon pagsisisihan. Kung may isang dahilan kung bakit ako nalungkot; ito ay nang makita kong napigtal ang backpack ko dahil hindi ako kinaya nang hawakan ito at iangat ng adik na tambay na yun.
Sabi ko sa sarili ko, hindi na kami kailanman titira sa ganung lugar. Gagawa ako ng paraan para makalayo, makikipagsapalaran ako kahit saan magkaroon lang ng matiwasay na buhay.
Kasa-kasama ko sa pangarap kong iyon ang aking backpack.
Nakapagtapos ako ng pag-aaral, nakailang backpack na rin; sa wari ko’y kasya ang kwento ng buhay ko sa gayung bag. Sa t’wing aalis ako, pupunta sa isang bagong lugar o may importanteng mangyayari sa akin, sinisilid ko ang mga kwento at aral ng buhay ko sa backpack.
all passengers bound to Manila, please proceed to gate number 7
Dala ko na naman ang panibagong kwento sa mga kaibigan ko pag-uwi. Kwento ng mga sakripisyo at aral na natutunan ko dito sa ibayong -dagat. Kasama ng kaunting ipon upang matapos na rin ang bahay na pinapagawa ko. Sa pagkakataong ito, nakapili ako ng magandang lugar; doon sa walang adik na tirador ng tutong!
Mahirap maging OFW, sa gitna ng kalungkutan at pagkahomesick, lumalabas na lang ako, parang si donatelo. Mabagal na naglalakad sa kalsada ng ibang bayan. Sa oras na bitbitin ko ang backpack, simula iyon ng paglalakad, pagmamasid sa paligid. Wala akong oras na sinasayang, nasa ibang bansa ako, may ibang kultura, may ibang kwento. Sinusubukan kong isilid lahat ng iyon sa aking alaala – sa backpack na bitbit ko.
Ganito ang naging buhay ko, aalis at babalik sa Pilipinas; dala ang backpack, sa zipper nito, nakakabit ang aking pangalan na nakadisenyo sa id na may tatak ng watawat ng Pilipinas.
Ito ang aking pagkakakilanlan; marami kaming ganito sa airport, male-maletang alaala at kahong kahong pangarap na binibitbit at inuuwi para sa mga mahal namin sa buhay.
——————————————————————————————————————————————————————-
Patalastas 1. May isa pa akong bagong blog : www.bernardumali.blogspot.com.2. Maaari pa kayong sumali sa Saranggola Blog Awards. Hanggang Agosto 31 pa ang pagpapadala ng entry. 3. Ang Sonshine Radio ay magkakaroon ng patimpalak sa pagkanta, sa mga interesado. Mag Audition na! 4. Makiisa sa aking let’s paint the blogworld yellow or sa campaign ni Barrio Siete na Touch a Blogger: Tie a yellow Ribbon for Cory Aquino.
4. Sa mga naghahanap ng trabaho, ang DMCI Homes (kung saan ako nagtatrabaho) ay naghahanap ng technical, non technical position at maging mga sales agent positions. I click lang ang picture sa ibaba sa mga nais mag apply.
galing….backpack..sisidlan at saksi ng mga piping pangarap…kaagapay sa pagsulong sa masalimuot na yugto ng buhay….
ganda!
kuya blue, ikaw may backpack ka?
base ba ko?
muntik na. try again
ang ganda naman ng kwento na to…
tama, walang malaking nakakapuwing
sa lahat ng balakid, magkaroon sana tayo ng lakas ng loob upang harapin ito
huwag kang magpatalo
yes. pag may humarang at nang api, lagpasan mo at saka pagpagin ang alikabok, sabay sabing eat my dust hahaha
yes! ayos..ahaha
galing ni kuya 😉 ako naman wlang back pack… diary lang haha , doon ko sinusulat ang mga natutunan ko toinks!
uy nagdadiary din ako dati. from 1st year high school hanggang sa nagtrabaho na ko pero nung nauso ang blog, nagblog na ko. (2005)
galing mo talagang magkwento…
naalala ko tuloy yung backpack ko nung college na hanggang ngayon gamit ko pa rin…hehehehe
uy historical na yun!
naks naman. masyadong madamdamin ang kuwento mo. although nakakaawa ka naman noon… na ginaganun ganun lang nung hinayupak na adik na yun. haiz. buhay nga naman. kailangan ata talaga madapa ka para matuto kang bumangon ulit.
pare. bisita ka naman sa blog ko. naghahanap ako ng kaibigan…
hahaha sige. dumadaan naman ako dyan 🙂
..na tats ako kuya. hehe. ahhhhm kaka antig talaga.
..fave ko sa lahat ng klase ng bag ay ang backpack. 😉 baket? dahil timbang ang bigat sa magkabilang balikat. konek? wahaha.
hahah aoo nga ano. kaya pala mas magaan ang gamit pagbackpack kesa buddybag
Wala ako backpack. sa bawat bansang pinupuntahan ko, bagong buhay. bagong simula.
bili ka na rin hahaha
aha! so love it…
galing mung StoryMaker
aheeh!
salamat mark
nice blog, kala ko naman aalis ka na kasi back pack ang title mo…
alam mo natutuwa ako na ung mga simpleng bagay ang topic mo pero ang laki pala ng naitutulong nito.
salamat alvin. natutunan ko dati sa filipino prof ko na hanggat maaari ay isang salita lamang ang mga pamagat.
nICE NAMAN nito..
una inaabangan ko baka lumabas si dora at yung backpack.
Kaw nga naman..
adik yun.
tama na na ako lang ang adik. heheheh
pano kaya magripuhan sa tagiliran? ehehhehe
sana ma meet ko si donatello. papakiala ko kay leonardo.
at sino naman si leonardo? hamster mo?
so inspiring naman…. ako din may backpack… hindi lang backpack body bag, shoulder ba, belt bag, hand bag at lahat yun may laman ng sari saring kwento. May masasaya, may malulungkot lahat yun dala ko para maging mas matatag ako. 😉
hi dhyoy. naalala ko minsan sa isang retreat, ginagamit ang bag para ipakilala ng sarili. kasi minsan daw, repleksyon ng laman ng bag ang pagkatao natin/
gleng gleng bernard! clap clap clap! natuwa ako sa kwento mo. nakita mo ba ulit si adik? 🙂
hi deejay. mas magaling ka pa rin! Idol!